Kulang na silid-aralan at upuan ang sumalubong sa mga mag-aaral ngayong pasukan.
Ito’y ayon kay Benjo Basas, Chairperson ng Teacher’s Dignity Coalition (TDC).
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Basas na maituturing na extreme case ang paghahati ng klase sa tatlong shift upang matugunan ang problema sa pag-sisiksikan ng mga estudyante sa mga silid-aralan.
Matatandaang nasa 28 milyong estudyante ang nag-enroll ngayong pasukan matapos ang dalawang taon ng distanced o online learning.
Tinitingnan din ni Basas ang option ng paglilipat ng mga estudyante sa ibang silid at pagdadagdag ng dalawa pang palapag sa mga eskwelahan bagama’t mas praktikal na magtayo ng panibagong gusali para sa mga estudyante.
Kasabay nito, nananawagan si Basas ng dagdag na allowance para sa mga guro. – sa panulat ni Hannah Oledan