Inihayag ng isang eksperto na makabubuti para sa “democratic competition” ang paghahati sa Maguindanao, bago ang plebisito na magdedesisyonb kung hahatiin o hindi sa dalawa ang lalawigan.
Ayon kay Institute for Autonomy and Governance, Attorney Benny Bacani na lilikha ng mas maraming elective post kung mahahati sa Maguindanao Del Norte at Maguindanao Del Sur ang nasabing probinsya.
Sakali namang tuluyang mahati ang lalawigan, pangungunahan ni Incumbent Governor Mariam Mangudadatu ang Maguindanao Del Sur habang si Vice Governor Ainee Sinsuat ay magiging governor ng Maguindanao Del Norte.
Una nang sinabi ni Provincial Administrator Attorney Cyrus Torreña na ang paghahati sa naturang lalawigan ay makatutulong na magkaroon ng mas maraming investment.