Nakumpleto na ang paghahatid ng mga balota para sa Overseas Absentee Voting sa Los Angeles California sa Estados Unidos.
Ayon kay Consul General Edgar Badajos ng Philippine Consul General sa Los Angeles sa USA, nasa halos 35K ang mga Pilipinong botante sa naturang lugar.
Ganap na alas-4 ng madaling araw o alas-7 ng gabi sa Pilipinas tatanggap ng boto sa Los Angeles hanggang sa Mayo a-9.
Tiniyak naman ng opisyal na magiging maayos ang botohan na masasaksihan ng mga poll-watcher.