Naging matagumpay ang paghahatid ng Pambansang Pulisya sa mga vote counting machines o VCMs sa iba’t ibang panig ng bansa.
Ayon kay C/Supt. Wilben Mayor, tagapagsalita ng PNP, wala silang naitalang anumang insidente o malaking problema sa paghahatid ng mga makina mula sa COMELEC warehouse sa Sta. Rosa, Laguna.
Mahigpit aniya ang ipinatupad nilang seguridad para matiyak na hindi mapapahamak ang mga makina at ligtas na makararating ito sa kanilang mga destinasyon.
Maliban sa mga pulis na itinalagang magbabantay sa mismong mga makina, iniraradyo rin sa mga pulis na nasa daraanan ang impormasyon para matiyak na walang magtatangka sa pagdaan ng mga makina.
By Jaymark Dagala | Jonathan Andal (Patrol 31)