Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa mga ahensya ng pamahalaan na gawing prayoridad ang paglikas at paghahatid ng tulong sa mga lugar na mahirap pasukin dahil sa hagupit ng Super Typhoon Carina at Habagat.
Inatasan na ni Pangulong Marcos ang Office of the Civil Defense (OCD) at ang mga kinauukulang ahensya na tukuyin ang mga komunidad na hindi pa rin naaabutan ng tulong ng pamahalaan.
Nagbigay rin ng direktiba ang pangulo sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at OCD na ipagpatuloy ang kanilang relief operations, lalo na sa critical areas.
Dagdag pa rito, pinamamadali na ni Pangulong Marcos sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang clearing operations at pagkumpuni sa mga daan at tulay na hindi madaanan ng mga motorista.