Marami umanong kandidato ang may mali sa ipinasang Certificate of Candidacy (COC) ayon sa Commission on Elections (COMELEC).
Sinabi ni COMELEC Spokesperson James Jimenez, ang form na ipinapasa ng mga kandidato ay nada-download sa COMELEC website at kailangan nila itong i-print ng back-to-back.
Ngunit sa halip aniya ang ginawa ng mga kandidato ay pinag-hiwa-hiwalay ang print ng naturang form.
Dahil umano rito ay napapatagal ang kanilang pag proseso.
Ayon kay Jimenez, nasa dalawa o tatlo ng kahalintulad na problema ang kanilang naobserbahan at malaking bilang umano ito kung ang pag-uusapan ay ang kabuuan ng kanilang sistema.