Hindi na itutuloy ng tinaguriang ‘Magnificient 7’ ng Kamara ang paghahain ng petisyon sa Korte para kwestyunin ang martial law extension sa Mindanao.
Ayon kay Albay Representative Edcel Lagman, kung pagbabatayan ang kasalukuyang komposisyon ng Supreme Court (SC), malabo silang makakuha ng paborableng desisyon.
Kasunod na rin aniya ito ng naging desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang hirit nilang magsagawa ng joint session ang Kongreso para talakayin ang idineklarang martial law at ang ginawa nilang pagkwestyon noon sa pagiging Minority Leader ni Quezon Representative Danilo Suarez.
- Meann Tanbio