Hindi akma na gawin ng isang Pangulo ang paghalik sa labi ng isang babae lalo na ng mga ginang na mayroon nang asawa o pamilya.
Ayon kay Senator Bam Aquino, kanya-kanyang gimik ang mga pulitiko, subalit hindi katanggap-tanggap ang naging gimik ng Pangulo para lang mapasaya ang Filipino community sa South Korea.
Pero para kay Senator Sherwin Gatchalian, walang malisya ang nangyari dahil pumayag naman ang Overseas Filipina Worker na si Bea Kim nang halikan siya sa labi ni Pangulong Duterte.
Ikinumpara pa ng Senador ang nangyari sa mga artista na kahit may asawa na ay nakikipaghalikan sa mga ka-eksena sa pelikula o TV show.
—-