Iginiit ng Pinay na hinalikan ni Pangulong Rodrigo Duterte habang nasa pagtitipon ng Filipino Community sa South Korea na walang masama sa kanilang ginawa.
Ayon kay Bea Kim, pampakilig lamang sa mga audience ang paghalik sa kanya ng Pangulo at wala naman itong ibig sabihin.
Matapos ang paghalik, inihayag ni Pangulong Duterte na hindi dapat dibdibin ang kanyang ginawa dahil nais lang niyang aliwin ang mga tao na dumalo sa pagtitipon.