Nabunyag na hinahaluan umano ng ilang gas stations ng methanol ang kanilang gasolina.
Ang methanol na kilala rin bilang ‘wood alcohol’ ay hindi pinapayagan batay sa umiiral na patakaran o standards.
Ayon sa Department of Energy o DOE, na-monitor nila na ang ilang gas stations na mayroon lamang isang branch ay nagtataglay ng methanol ang kanilang gasolina products.
Batay sa biofuels law, sinasabing ‘ethanol’ lamang ang maaaring ihalo sa mga gasolina products at dapat ay 10 porsyento lamang ito.
Dahil dito, nanawagan sa DOE si Fernando Martinez, Pangulo ng Independent Philippine Petroleum Companies o IPPCA, na huwag tantanan ang mga gas stations na gumagamit ng methanol.
Giit ni Martinez, nakakaapekto kasi sa performance ng mga sasakyan ang illegal practice na ito ng mga gas stations.
By Jelbert Perdez