Nanawagan ng tulong ang ilang manggagawa ng Philippine Airlines (PAL) sa Department of Labor and Employment (DOLE) sa nakaambang tanggalan sa trabaho sa paliparan.
Ayon kay PAL Employees Association (PALEA) member Eugene Soriano, sana ay magawan ng paraan ng DOLE ang napipintong problema sa PAL upang hindi ito tuluyang magtanggal ng manggagawa.
Dagdag ni Soriano, sa kaniya lamang umaasa ang kanilang pamilya dahil siya ang breadwinner sa kanila at hindi ito handang mawalan ng trabaho.
Mungkahi ni Soriano na sana ay makahanap ng paraan ang kumpanya, gaya ng dalawa lamang sa isang linggo ang pasok o kaya ang work from home arrangement.
Giit ni Soriano, ang tanggalan sa trabaho ay permanente subalit ang pandemya ay pansamantala lamang at nandyan na rin naman ang bakuna.
Samantala, hinihintay na lamang ang listahan ng pangalan ng mga matatangal na mga empleyado.—sa panulat ni Agustina Nolasco