Bumuo na ng grupo ang Armed Forces of the Philippines na tututok sa paghahanap sa labi ng German National na pinugutan ng bandidong grupong Abu Sayyaf.
Sa press briefing sa kampo aguinaldo, sinabi ni AFP Public Affairs Office Chief Colonel Edgard Arevalo na 24 oras na ang kanilang ginagawang paghahanap hindi lamang sa katawan ni Jurgen Kantner kundi maging sa iba pang bihag na hawak ng bandidong grupo.
Nakasentro, aniya, ang kanilang paghahanap sa Indanan at Parang, Sulu.
Samatala, tumangging idetalye ni Arevalo ang ginagawa nilang paghahanap para hindi mabulilyaso ang kanilang operasyon.
By: Avee Devierte / Jonathan Andal