Hinihintay na lamang ng Department of Energy (DOE) ang kopya ng desisyon ng Court of Appeals (CA).
Kaugnay ito sa pagharang ng appellate court sa naging kautusan ng DOE na kontrolin ang presyo ng langis sa bansa.
Ayon kay Energy Sec. Alfonso Cusi, hindi aniya sila magdadalawang isip na idulong sa Korte Suprema ang usapin.
Magugunitang umalma ang mga kumpaniya ng langis sa naging kautusan na ito ng DOE lalo’t umiiral anila ang oil deregulation law sa bansa.
Subalit batay sa desisyon ng appellate court, hindi naman nito pinawawalang bisa ang kautusan ng DOE sa halip ay ipinagpapaliban lamang ito.