Tinuligsa ng Estados Unidos ang ginawa umanong pag-intercept ng 2 Chinese fighter jets sa isang US spy plane sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Ayon kay Pentagon Spokesman Major Jamie Davis, ang insidente ay nangyari nitong Martes habang nagsasagawa ng routine mission ang reconnaissance aircraft ng Amerika sa rehiyon.
Sinasabing sa isang pagkakataon ay lumapit pa ng mga 50 talampakan ang mga Chinese fighter jet sa US spy plane.
Giit naman ng China, nang lumapit ang US aircraft sa Hainan Island ay nasa ‘safe distance’ ang kanilang mga fighter jet at walang ginawang mapanganib na aksyon.
By Jelbert Perdez
Photo Credit: Reuters