Inatasan na ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na kumpirmahin ang ulat ng umano’y harassment ng Chinese authorities sa mga mangingisdang Pinoy malapit sa Pagasa Island sa West Philippine Sea.
Ayon kay Lorenzana, wala pang kumpirmadong report mula sa kanilang unit sa ground na magpapatunay sa nasabing insidente batay na rin sa pinakahuling pakikipag-ugnayan nila sa Western Command.
Ipinaalala ni Lorenzana na ang nasabing lugar o kung saan umano naganap ang harassment ay traditional fishing ground hindi lamang para sa Pilipinas kundi maging sa China at Vietnam.
Una nang ibinunyag ni Kalayaan Mayor Roberto del Mundo na limampung barko ng China ang naglalayag na sa lugar malapit sa Pagasa Island at nang-harass ng Pinoy fishermen.
Inaalam na rin ng China ang tunay na pangyayari sa di umano’y pagpapalayas ng mga Chinese vessel sa mga Pilipinong nangingisda sa kagaratan malapit sa Pagasa Island sa West Philippine Sea.
Ayon kay Chinese Ambassador Zhao Jianhua, nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Foreign Affairs (DFA) ukol sa naturang usapin.
Makaaasa aniya ang bansa na mananatili ang commitment ng China para sa mapayapang pagresolba sa usapin at pag-aayos sa anumang hindi pagkakaintidihan.
Una nang nagpahayag ng pagkabahala si Kalayaan Mayor Roberto del Mundo na posibleng makaapekto sa kabuhayan ng mga residente doon ang pagbabawal sa kanilang mangisda sa teritoryong pag-aari ng Pilipinas.
—-