“Objectionable”.
Ito ang tugon ng Malakaniyang sa pagharang ng Chinese warship sa mga barko ng Pilipinas na magsasagawa sana ng re supply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na bahala na si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin na gumawa ng kaukulang hakbang o kung maghahain ng protesta.
Palaisipan aniya kung bakit hinarang ng China ang barko ng Pilipinas na magdadala lamang ng pagkain.
Sa report ng Department of National Defense, ginawang Chinese warship ang panghaharang sa barko ng Pilipinas noong buwan ng Mayo.