Sinegundahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang pagharang ng Metro Manila Development Authority o MMDA sa libreng sakay ng ‘Angkas’, isang grupo ng mga may motorsiklo na hindi nila puwedeng payagan ang pagsasakay ng pasahero ng angkas kahit libre ito.
Ayon kay Atty. Aileen Lizada, Spokesperson at Board Member ng LTFRB, sakaling magkaroon ng disgrasya o problema, walang puwedeng habulin o puwedeng panagutin dahil wala namang prangkisa o business permit ang angkas.
Nitong nakaraang linggo ay ipinatigil ng LTFRB ang operasyon ng angkas dahil nga sa kawalan ng mga papel para sila ay pumasok sa industriya ng Transportation.
Sinabi ni Lizada na dapat ay antayin na lamang ng angkas ang itinakda nilang diyalogo sa December 12 upang pag-usapan ang problema.
—-