Nanindigan ang Malacañang na kamang-mangan lamang ng mga U.S. senators sa batas ng Pilipinas ang hakbang nito na huwag papasukin sa Amerika ang lahat ng mga opisyal ng Pilipinas na sangkot sa pagkakakulong ni Senator Leila de Lima.
Ito ang binigyang diin ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, kung saan sinabi nito na walang karapatan ang Estados Unidos na manghimasok sa mga ipinapatupad na batas sa Pilipinas.
Aniya, wala ring katotohanan na “bogus charges” ang mga kasong isinampa kay De Lima dahil naka-batay aniya ito sa mga matitibay na ebidensiya.
Dagdag pa ni Panelo, wala ring karapatan ang Estados Unidos na manghimasok sa huridsiksyon ng Pilipinas dahil lamang nagbibigay ito ng ayuda sa Pilipinas.
Giving aids or grants is not a form of sovereign interference. They are given by a state to another by reason of comity and friendship. The Philippines welcomes them,” ani Panelo
Gayunman, sinabi rin ni Panelo na hindi rin nila maintindihan kung ano ang naging basehan ng U.S. para magpalabas ng naturang kautusan dahil dumaan aniya sa tamang proseso ang pagkakakulong ni De Lima.