Malaking hamon para sa Western Mindanao Command ang pagharang sa patuloy na recruitment ng mga terorista sa Mindanao.
Tinukoy ni Major Marvin Encinas, spokesman ng Western Mindanao Command, ang pitong dayuhang terorista na di umano’y nagre-recruit at nagsasanay ng mga lokal na terorista para maging suicide bombers.
Matatandaan na dalawang beses nang nagkaroon ng suicide bombing sa Pilipinas, una ang pagpapasabog sa Jolo cathedral at pagsabog ng van sa military checkpoint sa Basilan.
Ayon kay Encinas, kailangan nila ng tulong ng sambayanan upang labanan ang paglaganap ng terorismo sa bansa.
“Hindi po natin mababantayan ito 24-oras, maghapon ang Sulu at ating mga areas. Kaya’t kinakailangan po natin ang suporta pati rin ‘yung mga local post doon po sa mga areas of concern pati po sa pacific area na kung saan ang mga grupo na ito, at the same time talagang kulang po tayo ng ating asset para mapigilan po natin itong mga pumapasok sa mga islands pati na diyan po sa Sulu and Basilan areas,” ani Encinas.
Ratsada Balita Interview