Pabor si Senador Panfilo Lacson sa gagawing pagharap ng mga umano’y ‘ninja cops’ sa pagdinig ng Senado sa Martes, unang araw ng Oktubre.
Aniya, suportado niya ang hakbang na ito upang agarang masagot ng mga tiwaling pulis ang mga kwestyon hinggil sa isyu ng recycled drugs.
Paglilinaw ng senador, nasa kamay pa rin ni Senate Justice Committee Chairman Senador Richard Gordon kung haharap ang mga ito sa pagdinig.
Matatandaang papangalanan na ni Gordon ang mga ‘ninja cops’ sa gagawing pagdinig ng Senado na may kinalaman sa isyu ng iligal na droga na kinasangkutan ng ilang pulis.