Walang bago sa mga binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang SONA o State of the Nation Address kahapon.
Ito ang inihayag ni Melito Glor Command, NPA Southern Tagalog Spokesperson Jaime “Ka Diego” Padilla.
Ayon kay Ka Diego, maging ang ipinagmamalaking kampanya kontra iligal na droga ng administrasyong Duterte ay sablay.
Aniya, walang ni isang narco politicians na kabilang sa makapal na listahan ni Pangulong Duterte ang nakasuhan o naitumba at sa halip ay ang mga mahihirap lamang ang napuruhan ng war on drugs.
Nanghihinayang din si Ka Diego sa hindi pagkakatuloy ng usapang pangkapayapaan at iginiit na ang sambayanang Pilipino ang lugi rito.
Pakitang tao lang din aniya ang ginawang pagharap ni Pangulong Duterte sa mga militante kahapon at kunwari’y paglaban sa Estados Unidos dahil ipinapapatuloy pa rin nito ang polisya ng dating administrasyon tulad ng EDCA.
- Krista De Dios | Story from Aya Yupangco