Hindi nagustuhan ng Philippine National Police (PNP) ang ginawang pagharap sa media ni Lt. Col. Jovie Espenido.
Ayon kay PNP chief General Archie Gamboa, mayroong gag order na ibinaba kay Espenido matapos itong mapasama sa listahan ng mga sangkot sa illegal drug trade.
Ngunit aniya hindi ito sinunod ni Espenido sa pagharap pa rin niya sa media.
Dahil ditto, posibleng maimbestigahan umano si Espenido.