Binago ng Olongapo City Regional Trial Court Brach 74 ang petsa ng pagbaba ng hatol kay US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.
Taliwas sa naunang pahayag ng korte na Nobyembre 24, nagpasya ang hukom na si Roline Ginez – Jabalde na sa Disyembre 1 na ito gawin.
Layunin ng nasabing pagpapaliban sa pagbaba ng hatol ay para makalikom ng iba pang dokumento, ebidensya at testimoniya na may kinalaman sa kaso ng pagpatay sa transgender woman na si Jennifer Laude.
Kinakailangan kasing madesisyunan agad sa loob ng isang taon ang kaso ni Pemberton kundi ay mababasura ito batay sa umiiral na Visiting Forces Agreement na nilagdaan ng Pilipinas at ng Amerika.
By Jaymark Dagala