Pinagtawanan lang ni Atty. Agnes Devanadera, ang tagapagsalita ni dating Pangulong Gloria Arroyo ang pahayag na, “ngayong nakalaya na ay puwede nang rumesbak si Arroyo.”
Binigyang diin ni Devanadera na wala sa karakter ni Arroyo ang paghihiganti at nais lang nitong makapagpagamot at makapagtrabaho.
Sinabi din ni Devanadera na bagamat nais ni Arroyo na mahawakan ang komite na may kaugnayan sa ekonomiya, lubos naman nitong tatanggapin ang anumang komite na ibigay sa kanya.
Bahagi ng pahayag ni Atty. Agnes Devanadera, Tagapagsalita ni CGMA
Full independence
Samantala, inaasahang mamayang hapon pa tuluyang mae-enjoy ng dating Pangulong Gloria Arroyo ang kanyang kalayaan.
Ito ay dahil ngayong hapon pa posibleng matapos ang pagsailalim sa mga pagsusuri ni Arroyo sa St. Luke’s Medical Center.
Una nang sumaglit si Arroyo sa kanyang bahay sa La Vista, Quezon City matapos makalabas ng Veterans Memorial Medical Center kahapon bago dumiretso sa St Luke’s kagabi.
Kabilang sa medical tests na isinasagawa sa dating pangulo ay 2D echo, chest x-ray, liver ultrasound at electrocardiogram (ECG).
By Katrina Valle | Ratsada Balita | Judith Larino