Inihayag ni Infectious Diseases Expert Dr. Rontgene Solante na hindi pa kailangang maghigpit ng border control sa bansa ang pamahalaan.
Ayon sa eksperto dapat ang tanging pinagtutuunan ng pansin ng pamahalaan ay ang bilang ng kasalukuyang pasyente na tinatamaan ng malalang kaso ng covid-19.
Sinabi ni Solante, na suportado niya ang pahayag ng Department of Health (DOH) hinggil sa paghihigpit ng restriksiyon sa Pilipinas sa kabila ng naitalang bagong sub-variant ng omicron na BA.2.75
Iginiit pa ni Solate na mas importante ang pagkakaroon ng mahigpit na monitoring sa mga kaso ng nakahahawang sakit, pag-isolate at pagpapa-test ng mga indibidwal na nakakaranas ng sintomas ng covid-19, at patuloy na pagsunod sa minimum health protocols.