Walang magbabago sa paghahandang inilatag ng National Capital Region Police District (NCRPO), kasabay ng pagpapalawig ng Alert level 1 sa Metro Manila simula ngayong araw.
Sa kabila ito ng posibleng pagtaas muli ng kaso ng COVID-19 dahil sa naitalang kaso ng Omicron subvariant ng BA.2.12.
Ayon kay NCRPO Dir. PMGEN Felipe Natividad, tuloy ang kanilang suporta sa ipinatutupad na alituntunin ng IATF para sa pagpapaigting ng health and safety protocols.
Sa pamamagitan kasi nito, mapipigilan ang pagkalat ng virus at galaw ng tao sa mismong halalan 2022.
Sa huling tala, nasa 44 na ang close contact ng unang kaso ng BA.2.12 na na-detect sa Baguio City.
Nagmula ang unang kaso sa Finland na isang 52 na babae.