Kumbinsido ang isang eksperto na hindi kailangang maghigpit ang Pamahalaan sa mga turistang pumapasok sa Pilipinas sa kabila ng naitalang tatlong kaso ng monkeypox virus.
Ayon kay Rontgene Solante, isang infectious expert, mas epektibo kung papaalalahanan ang mga bumabiyahe na magi-ingat lalo na sa mga bansang marami nang kaso ng sakit.
Binigyang-diin naman ni Solante na mahalaga ang pagpapakita ng kanilang health information kung mayroon silang sintomas ng naturang virus.
Sa ngayon, paalala ni Solante sa publiko na ugaliing maghugas ng kamay at sundin pa rin ang mga health protocols kontra COVID-19 na panlaban din sa monkeypox virus. —sa panulat ni Hannah Oledan