Wala pang dahilan para higpitan ang protocol sa bansa kasunod ng naitalang Monkeypox cases.
Ayon sa Department of Health (DOH), hindi nila inirerekomenda ang lockdown dahil sa kumpirmasyon ng ikaapat na kaso ng monkeypox na mula sa Iloilo.
Dagdag pa ng kagawaran, mayroon na silang umiiral na preventive measures para maiwasan ang transmission ng nasabing sakit.
Samantala, ginawa ng DOH ang pahayag kasunod ng plano ng lokal na pamahalaan ng Negros Occidental kaugnay sa posibleng paghihigpit sa mga regulasyon sa pantalan upang masiguro na masusunod ang health screening ng mga pasahero na mula sa Iloilo.