Naramdaman na ng mga motorista ang higpit sa mga checkpoints sa unang araw ng Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila.
Naging mabigat ang daloy ng trapiko papasok ng Quezon City dahil sa checkpoint sa bahagi ng Batasan-San Mateo.
Mahigpit kasing hinihingi ang pruweba na ang motoristang dadaan ay isang Authorized Persons Outside Residence (APOR) kung bigong makapag prisinta nito, hindi palulusutin at pababalikin ang motorista.
Ganundin ang sitwasyon sa boundary ng Muntinlupa at San Pedro sa Laguna.
Madadaanan din ang checkpoint sa Marcos Highway sa boundary ng Marikina at Rizal Province, JP Rizal sa boundary ng San Mateo at Marikina, Sucat Road sa boundary ng Pasay at Parañaque.
Samantala, pinapababa naman ang mga sobrang pasahero ng mga bus at jeep na lumabag sa 50% allowed passenger capacity.