Suportado ng labor group na Associated Labor Union-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) ang bago at mas mahigpit na panuntunan ng gobyerno sa pagpasok ng mga dayuhang manggagawa sa bansa.
Ayon kay ALU-TUCP Spokesperson Alan Tanjusay, nararapat lamang na kumilos na ang pamahalaan para mapigilan ang pagdami ng mga illegal foreign workers sa bansa na nagiging banta sa mga lokal na manggagawa.
Una na rin anilang hinihikayat ang DOLE na tiyaking tuloy-tuloy ang pagpapatupad ng kanilang joint memorandum agreement kasama ang Bureau of Immigration at iba pang ikinauukulang ahensiya.
Ipatupad ‘yung bagong joint memorandum agreement nila with bureau of immigration, professional regulatory commission, at iba pa na after 6 months, pagkakuha ng special work permit at gusto pang magtrabaho ng mga foreign nationals dito, kailangan sa dole na sila kumuha ng alien employment permit at kinakailangan amgsubmit pa ng iba pang karagdagang papers bago ‘yung requirement sa kanila ng ating gobyerno,” ani Tanjusay.
Gayunman, paki-usap ni Tanjusay na gawing maayos at iwasang maging marahas ang pag-aresto sa mga iligal na dayuhang manggagawa para maiwasang gawin din ito sa mga undocumented filipinos sa ibang bansa.
’Yung isang babaeng chine national na meron silang problema, naging marahas ‘yung bureau of immigration agent sa kanya at vinideo ‘yung pag-aresto at nagkaroon ng misunderstanding, nagkasigawan, nagkahabulan, hindi maganda kapag ‘yung mga video na ito ipapakita pa natin sa social media, ipapakita pa natin sa mainstream media, makikita kasi ito ng mga chinese nationals dito sa china, baka maghigpit din sila sa mga undocumented filipino workers doon,” ani Tanjusay.
Balitang Todong Lakas Interview