Epektibo umano ang ginawang paghihigpit ng pamahalaan sa pagpapatupad ng yellow lane policy o bus lane sa piling bahagi ng EDSA.
Ayon kay Metro Manila Development Authority o MMDA Special Traffic and Transport Zone Chief Rey Arada, tatlumpung (30) minuto ang nabawas sa biyahe ng mga motoristang bumabaybay sa kahabaan ng EDSA southbound.
Kapansin-pansin aniya ang pagbilis ng takbo ng mga pampublikong bus sa EDSA Guadalupe hanggang Shaw partikular na sa rush hour sa umaga.
Batay naman sa datos ng PNP Highway Patrol Group, sampung (10) pasaway na mga motorista ang nasampulan sa unang araw ng pagpapatupad nito kamakalawa.
By Jaymark Dagala