Umapela sa kaniyang kapwa mga mambabatas si Quezon 4th District Rep. Angeline “Helen” Tan na tigilan ang panghihikayat sa publiko na gumamit anti-parasite drug na Ivermectin para labanan ang COVID-19.
Ayon kay Tan, bukod sa hindi pa ito rehistrado wala ring matibay na ebidensya na magpapatunay na ito ay epektibo o walang masamang maidudulot sakaling gamitin na panggamot sa mga pasyenteng mayroong COVID-19.
Ani Tan, kung nais ng mga mambabatas na ito na gamitin ang nabanggit na gamot ay maaari nila itong gamitin sa kanilang sarili, ngunit hindi na tama na hikayatin pa ang iba na gumamit din nito.
Ang ivermectin products ay kasalukuyang aprubado sa bansa bilang gamot ilang worm infestations at veterinary use para sa parasites na natatagpuan sa mga hayop.