Hindi kailangan tanggalin ang mga empleyadong hindi pa nababakunahan kontra COVID-19.
Ito ang iginiit ni Presidential Adviser Joey Concepcion na kailangan ng batas para sa sapilitang pagbabakuna sa lahat maging sa mga empleyado.
Aniya, maraming mga industriya na kailangan mahikayat ang mga empleyado na magpabakuna dahil high risk ang mga negosyo sa COVID-19.
Samantala, muli namang isusulong ng Department of Trade and Industry (DTI) na dagdagan ang kapasidad sa mga establisyimento para sa mga bakunado sa mga susunod na linggo.
Sa ngayon ay nasa 30% pa lamang ang kapasidad sa mga restoran, salon at sa mga gym.