Itinuturing na pinakamagandang regalo ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos sa kaniyang kaarawan ang desisyon ng Korte Suprema.
Ito’y makaraang pumayag ang high tribunal na maihimlay sa Libingan ng mga Bayani ang yumaong dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Ginawa ng Gubernadora ang pahayag kasunod ng ginawang pagbatikos ni CBCP President at Protege ng yumaong Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin na si Lingayen – Dagupan Archbishop Socrates Villegas.
Kasunod nito, sinabi ni Governor Imee na mas marami ang natutuwa kaysa sa kumokontra sa paghihimlay sa kaniyang ama dahil sa wakas, maililibing na rin ito matapos ang 27 taon.
By: Jaymark Dagala