Isinisi ng Alliance of Concerned Teachers sa commission on elections ang paghihirap sa trabaho ng mga guro na nagsilbing board of elections inspectors noong Lunes.
Ayon kay ACT National Chairperson Joselyn Martinez, maraming guro ang nahirapan sa pagpapaboto dahil sa kapalpakan ng mga kagamitang ibinigay ng Comelec.
Hindi anya nila masisisi ang botante sa pag-kuwestyon sa integridad at kredibilidad ng 2019 midterm elections dahil malinaw na nabigo ang poll body na ibigay ang halalang karapat-dapat para sa taumbayan.
Nanguna sa naging problema ng mga guro ang pagkasira ng mga vote counting machine at voter registration verification machine.