Hinihintay na lamang ang pormal na kautusan mula kay Pangulong Rodrigo Duterte na naghihiwalay sa Presidential Communications and Operations Office o PCOO at ng Office of the Presidential Spokesman.
Ayon iyan kay incoming Presidential Spokesman Harry Roque na nagsabing posibleng maghiwalay ang kanilang tanggapan ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar.
Pagtitiyak naman ni Roque, patuloy pa rin ang kanilang pagtutulungan kahit maghiwalay na sila ng tanggapan ni Andanar para maihatid ang tamang impormasyon sa publiko at iginiit na walang mangyayaring revamp sa kanyang tanggapan.
Magugunitang itinalaga ni Pangulong Duterte si Roque bilang Presidential Spokesman sa ranggong kalihim kaya’t maihahalintulad ang set-up noong nakalipas na administrasyon kung saan, magkahiwalay ang opisina ng PCOO at ng Presidential Spokesperson.