Nananatiling problema ng Pilipinas ang paghikayat sa mga Pilipinong lumikas tuwing may bagyo at sakuna.
Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Junior sa situational briefing sa Antique ngayong araw, matapos ang pananalasa ng bagyong Paeng.
Inihayag ito ng pangulo matapos sabihin ni Governor Rhodora Cadiao na karamihan ng kanilang residente ay matigas ang ulo at ayaw iwanan ang kanilang mga bahay kahit may bagyo.
Iginiit naman ng punong-ehekutibo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng pre-emptive evacuations sa bawat lugar para sa kaligtasan ng mga mamamayan.