Tiniyak ng Malakaniyang ang patuloy na pagtutok sa hamon nang pagne-negosyo sa bansa para makahimok pa ng mas maraming investors.
Tugon ito ng Palasyo sa naging pahayag ng ECCI o European Chamber of Commerce and Industry na hindi na masayang maglagak ng negosyo sa Pilipinas dahil sa anila’y nakakalitong panuntunan ng gobyerno.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma ang tinutukoy ng ECCI ay may kinalaman sa proseso ng audit at hukuman.
Tiniyak ni Coloma na gagawin pa rin ng gobyerno ang dapat para makahikayat ng marami pang negosyante.
Inihalimbawa ng ECCI sa reklamo nito ang anito’y nakakalitong implementasyon ng polisiya sa Motor Vehicle License Stardardization Program kung saan ang proyekto ay nai-award sa nanalong bidder subalit hindi natuloy ang implementasyon matapos ihayag ng COA ang maling preoseso ng bidding.
By Judith Larino | Aileen Taliping (Patrol 23)