Walang dapat na ikabahala ang publiko sa paghina ng piso kontra dolyar.
Ito ang inihayag ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor at Incoming Finance Secretary Benjamin Diokno kasunod ng pagpalo ng piso kontra dolyar sa 54.47 pesos, na itinuturing na pinakamahinang halaga ng palitan sa loob ng halos 17 taon.
Paliwanag niya, hindi ito repleksyon ng kahinaan ng ekonomiya kundi dahil ito sa iba’t ibang dahilan partikular na sa mga nangyayari sa ibang bansa kung saan naapektuhan ang mga malilit na negosyong nag-aangkat ng produkto.
Giit pa ni Diokno, maganda ang lagay ng ekonomiya dahil kung ikukumpara sa Asian Economies tulad ng Japan ay nasa gitna ang bansa.
Pabor naman ang paglakas ng dolyar sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) dahil lalaki ang halaha ng padala ng mga ito sa Pilipinas.