Maaaring tumagal hanggang sa susunod na taon ang paghina ng piso kontra dolyar.
Bagamat bahagyang tumaas ang palitan ng piso sa 56.82 nitong Biyernes mula sa 57.18 noong Huwebes, sinabi ni Banko Sentral ng Pilipinas Governor Felipe Medalla, posible pang tumaas ang US interest rate na lalong ikahihina ng piso.
Kaugnay nito, itinuturong dahilan din ng mga ekonomista ang inflation na nangyayari sa Amerika na maaaring maka ambag sa mababang palitan ng piso hanggang unang bahagi ng susunod na taon. —sa panulat ni Hannah Oledan