Nakikita ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na posibleng tumaas ang singil sa tubig sa susunod na taon.
Dahil ito sa patuloy na pagbulusok ng halaga ng piso kontra dolyar na sa datos kahapon ay malapit nang sumampa sa P59
Ayon kay Patrick Lester Ty, Chief Regulator ng MWSS, masasama ang epekto ng piso sa panibagong rate na lalabas sa January 1 sa susunod na taon.
Pero gagawin umano nila ang lahat upang mapigilan ang epekto na posibleng umabot hanggang sa susunod na 5 taon.
Sa huling datos, nagsara na sa P58.99 ang exchange rate na 11 beses nang mababa ngayong Setyembre.