May nakikitang positibong epekto sa bansa ang ilang eksperto sa paghina ng halaga ng piso makaraang magsara sa P46.93 pesos ang palitan kontra dolyar.
Ayon sa mga ekonomista at financial expert, tiyak na lalaki ang kita ng mga exporter at spending capacity o paggastos ng pamilya ng mga Overseas Filipino Worker (OFW’s).
Ilan sa nakikitang dahilan ng paghina ng piso ay ang planong pagtataas ng interest rates ng US federal reserve at tumatamlay na ekonomiya ng China.
Gayunman, nagbabala ang mga eksperto sa kapalit ng mababang halaga ng piso tulad ng pagtaas ng presyo ng mga imported na bilihin tulad ng petrolyo gayundin ng mga bagay na dapat bayaran gamit ang dolyar.
By Jaymark Dagala