Ipinagtanggol ni House Speaker Pantaleon Alvarez si Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas makaraang humirit ito na mabigyan ng immunity sa traffic violation para sa mga Kongresista.
Nilinaw ni Alvarez na dapat ay saklawin lamang ng immunity ang biyahe ng mga Kongresista patungo at paalis ng Batasang Pambansa sa Quezon City.
Pinagbatayan lamang aniya ni Fariñas ang Constitutional Provision dahil mayroon namang nakasaad sa saligang batas na ibinibigay na immunity sa mga mambabatas na nagtutungo sa Kongreso at habang may sesyon.
Sa ilalim ng 1987 Constitution, walang miyembro ng Kongreso ang maaaring papanagutin sa anumang paglabag na may katapat na parusang hindi aabot sa anim na taong pagkakabilanggo habang may sesyon.