Bumalangkas na ng panuntunan ang Philippine National Police (PNP) kaugnay sa pakikipag-ugnayan sa mga organizer ng community pantries.
Ayon kay PNP chief Police General Guillermo Eleazar, kaniyang inatasan ang PNP Directorate for Police Community Relations para siyang manguna rito.
Sa ilalim ng binuong panuntunan ang presensya ng mga pulis sa community pantries ay upang tiyakin lamang ang peace and order at minimum public health safety standards.
Kasabay nito, pinuri ni Eleazar ang paghingi ng paumanhin ni PNP Human Rights Affairs Office chief Police Brigadier General Vincent Calanoga sa mga organizer na natakot sa umano’y profiling..
Patunay lamang nito na walang masamang intensyon ang PNP sa mga nagbibigay ng tulong sa publiko.
Pero hinimok ng Chief PNP ang mga organizer na nakaranas ng pangha-harrass o pananakot na maghain ng reklamo dahil kanya itong aaksyunan. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)