Winelcome ng Pangulong Rodrigo Duterte ang paghingi ng paumanhin ng World Bank sa controversial report nito hinggil sa estado ng edukasyon sa Pilipinas.
Gayunman tila sinermunan ng pangulo ang World Bank sa pagsasabing bilang international organization ay dapat maging maingat ito sa pagpapalabas ng report.
Inamin ng pangulo na matagal na ang problema ng edukasyon sa bansa na mahirap aniyang solusyunan dahil sa kakulangan ng pondo.
Kung mayruon lamang aniyang sapat na pondo ang gobyerno binigyang diin ng pangulo na hindi mahuhuli ang Pilipinas sa ibang bansa sa usapin ng edukasyon.