Iminungkahi ni Senador Imee Marcos na hilingin ng pamahalaan sa Estados Unidos na paalisin nito ang China sa Scarborough Shoal.
Ayon kay Marcos, nakasulat naman sa mga kasunduan na tutulong ang Amerika kapag inatake ang isang barko ng militar.
Bakit aniya hindi subukan ng pamahalaan na dumulog sa Amerika para mapalayas na sa scarborough shoal ang China.
Agad namang isinantabi ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin ang mungkahi ni Marcos.
Ang pinag-uusapan aniya ay mutual defense treaty at hindi imbitasyon para sa giyera.