Nagpapatuloy ang paghuhukay ng manggagawa sa Sao Paolo, Brazil para sa ginagawa nitong mass grave kasunod ng tumataas pang bilang ng mga nasasawi dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Dinas Covas, City Director for COVID-19 emergency center ng sao paolo, sa tingin niya ay tinatalo na ng virus ang kanilang ginagawang pag-iingat kontra rito.
Dagdag pa ni Covas, ang hakbang na ito ay nagpapatuloy kasunod ng paglobo pa rin ng mga nadadapuan ng virus.
Sa katunayan, sa pinakabagong datos, pumalo na sa 291,579 ang kabuuang bilang mga may covid sa Brazil, habang ang higit 18,000 rito ay ang bilang ng mga nasasawi.
Nauna rito, kinontra na ni Brazilian President Jair Bolsonaro ang pagpapalawig pa sa lockdown measures, pero iginiit naman nito ang paggamit ng anti-malarial drug para labanan ang nakamamatay na virus.