Nagsimula nang ipatupad ang pagbabawal sa pangingisda ng isdang tamban sa Zamboanga Peninsula.
Ang closed season sa panghuhuli ng isdang tamban na ginagawang sardinas ay tatagal ng tatlong buwan na layong bigyan ng pagkakataon na makapagparami ang mga isdang ito.
Kasabay nito, tiniyak naman ng Department of Labor and Employment o DOLE ang programang pangkabuhayan sa may 30,000 manggagawa ng fishing companies at planta ng sardinas na matetengga sa loob ng tatlong buwan.
Samantala, magpapatrolya naman sa karagatan ng Zamboanga Peninsula ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard o PCG at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR upang magbantay.
—-