Ipinagbabawal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang panghuhuli ng mga tuna at iba pang uri ng mga isda na sa Davao Gulf Region simula Hunyo 1 hanggang Agosto 31.
Layunin ng tatlong buwang closed-season ban na bigyang-daan ang paglaki ng fingerlings at ibang maliliit na isda gaya ng tuna at mga lamang-dagat na nahuhuli sa golpo ng Davao.
Naniniwala ang BFAR na malaki ang maitutulong ng pagsasara ng pangingisda sa rehiyon para matiyak na palalakahin muna ang mga tuna at iba pang mga isda at laban ang illegal fishing.
Umaabot sa 49 na bayan ang nasasakupan ng Davao Gulf Region kung saan 30 sa mga ito ay coastal area.
By Drew Nacino | Mochet Laranio