Nanindigan ang LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board na itutuloy nila ang panghuhuli sa driver partners ng Transport Network Company na Uber Philippines.
Ito’y makaraang ibasura ng LTFRB ang inihaing motion for reconsideration ng Uber matapos magpatuloy sa kanilang operasyon sa kabila ng ipinataw na suspensyon laban sa kanila.
Pero pagtitiyak naman ni LTFRB Board Member at Spokesperson Atty. Aileen Lizada, ginagawa nila ang lahat ng paraan upang mapawi ang pangamba ng Uber drivers na nawalan ng kita dahil sa nasabing kautusan.
Una nang naglabas ng pahayag ang kompaniyang Uber na kanila pa ring susundin ang desisyon ng LTFRB sa kabila ng kanilang pagkadismaya at nagpasalamat sa publiko sa suportang kanilang natanggap.